This blog contains my favorite songs, essays, reviews of books that I have read, and it may contain a slight image of my simple life.
Friday, February 17, 2012
Maskara
Minsan iniisip ko, bakit kailangan pa nating itago kung ano at sino tayo sa isang maskara. Hindi ba pwedeng maging totoo na lang? Hindi lang sa iyong sarili kundi pati na rin sa ibang tao?
Ang maskara, maitago man ang kaanyuan, lalabas din kung ano ang tunay na pagkatao. Dahil ang bulok, pabanguhan man ng isang tambak na pabango, aalingasaw pa rin ang baho.Malalim ba ang nararating ng aking kaisipan? Marahil nga?Sapagkat sa mundong ito, hindi natin mapagkakasya sa isang talata, o minsan pa nga sa isang libro ang tunay nating pagkatao. Patuloy kasi tayong binabago ng panahon, minsan sa isang kisap mata ang kinalakhan nating ugali ay napapalitan. Wika nga sa salitang Inglis "the only constant thing in this world is change".
Tulad ng pagkakaibigan. Makikilala lamang kung sino ang totoo sa pagtagal ng panahon. Ang kaibigan na di ka kayang iwanan kahit kalimitan naalala mo lamang sa mga oras ng kalungkutan. Kaibigan na kaya kang mahalin kahit di ka perperkto, kaya kunsitihin pati kalokohan mo. Ang pagsasamahang totoo wika nga nila’y tulad ng isang alak, habang tumatagal lalong sumasarap.Kaya kang mahalin at kilalanin kahit natatabingan pa ng isang maskara.
Paminsan minsan, ang maskara ito hindi man nakikita,nararamdaman na lamang. Maaring isa rin ako sa karamihan na nagsusuot nito,hindi ko iyon maikakaila, pero sana kahit alisin ko ang aking maskara matutuhan pa ring tanggapin na tunay ang pagkakaibigan at pagmamahal na kaya kong ibigay..
by jeanmmelgar December 10, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment